^

Bansa

Prosecutor ikinumpara 85.75% Bar score ng AMLC chief sa 80% ni VP Sara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Prosecutor ikinumpara 85.75% Bar score ng AMLC chief sa 80% ni VP Sara
Sa pagtatanong ni Divinagracia, sinabi ni Buenaventura na pumasa siya sa 2015 Bar Exa­minations at nagtapos bilang ika-10 placer. Nang tanungin tungkol sa kanyang Bar rating, sumagot siya ng 85.75 porsiyento.
Facebook / Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines —  Nagkaroon ng pagtatalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ikumpara ni private prosecutor Atty. Mae Divinagracia ang Bar Examination rating ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Exe­cutive Director Atty. Ronel Buenaventura sa naging marka ng Bise Presidente.

Sa pagtatanong ni Divinagracia, sinabi ni Buenaventura na pumasa siya sa 2015 Bar Exa­minations at nagtapos bilang ika-10 placer. Nang tanungin tungkol sa kanyang Bar rating, sumagot siya ng 85.75 porsiyento.

Kasunod nito, pabirong sinabi ni Divinagracia na mas mataas ito ng 5.75 percentage points kaysa sa 80 porsiyentong marka ng isang taong kilala umano nila ni defense counsel Atty. Mark Vinluan, na ma­linaw na tumutukoy kay Duterte.

Agad namang tumutol si Vinluan at hiniling na alisin sa rekord ang naturang komento.

“I move to strike out that portion of the comment. I don’t think that’s relevant,” ani Vinluan.

Matatandaang noong Hulyo, si Vinluan mismo ang nagbanggit sa impeachment court ng Bar rating ni Duterte bilang bahagi ng pagtatanggol sa kanyang kliyente.

Ayon noon kay Vinluan, nagtapos si Duterte ng abogasya at pumasa sa Bar Exam sa unang pagsubok na may 80 porsiyentong marka, na aniya ay mas mataas kaysa sa nakuha ng maraming abogado.

Gayunman, iginiit ng depensa na walang kaugnayan sa impeachment proceedings ang pagbanggit ng prosekusyon sa Bar Examination rating ni Buenaventura at ang paghahambing nito sa marka ng Bise Presidente.

DUTERTE

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with