Vice Ganda, panalo ng Best Actor sa Asian Academy!

Patuloy na kinikilala ang husay ng ABS-CBN sa buong mundo matapos mag-uwi ang mga palabas at bituin nito, kabilang si Vice Ganda, ng national awards sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards 2026 kung saan ang mga nagwagi ay irerepresenta ang Pilipinas sa Grand Awards Gala and Red Carpet na gaganapin sa Singapore sa Disyembre.
Naiuwi ni Vice Ganda ang Best Actor in a Leading Role na pagkilala para sa kanyang husay bilang Twinkle Reyes sa comedy-drama na Call Me Mother.
Panalo rin ang kauna-unahang Filipino limited series ng ABS-CBN at Prime Video na The Silent Noise, na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, ng Best Drama Series, habang wagi rin ang direktor nitong si Onat Diaz ng Best Direction (Scripted).
Kinilala rin ang Philippine adaptation ng It’s Okay To Not Be Okay, na pinagbidahan nina Anne Curtis, Carlo Aquino at Joshua Garcia, ng Best Adaptation of an Existing Format (Scripted).
Ang Asian Academy Creative Awards ay kumikilala sa mga huwarang palabas, personalidad at media productions sa rehiyon.
- Latest























