^

Probinsiya

Mayon nagbuga ng abo, 9 pagyanig naitala - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Bulkang Mayon sa Bicol Region ng pagbuga ng abo na may isang minuto ang tagal at 9 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras ayon sa tala ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs)

Ayon pa sa Phivolcs, nagluwa rin ang bulkan ng 1,417 tonelada ng asupre, patuloy ang crater glow at nagkaroon ng katamtamang pagsi­ngaw na nasa 800 metro ang taas mula sa crater ng bulkan na napadpad sa timog-kanluran ng bulkan.

Naitala rin ang pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.

Dulot nito, pinagbabawalan ng Phivolcs ang publiko na huwag papasok sa loob ng anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone, paglipad ng anumang aircraft sa ibabaw ng bulkan dahil sa biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, rockfall events at pag-agos ng Lahar kung may matinding pag-ulan na mararanasan sa pali­gid ng bulkan.

Ang Mt. Mayon ay nasa ilalim ng alert level 2 status na ang ibig sabihin ay may abnormalidad na nagaganap sa loob ng bulkan.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with