^

Probinsiya

6 ‘wanted’ nalambat sa Quezon, Albay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
6 ‘wanted’ nalambat sa Quezon, Albay
Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, naaresto ng PIU, QPPO, katuwang ang Lucena CCPS, si alias Jen, 61, isang Regional Level Most Wanted Person (MWP), dahil sa kasong Qualified Theft na walang inirekomendang piyansa, 
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAMP GUILLERMO NAKAR, Lucena City, Philippines — Anim na wanted persons ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa magkakahiwalay na operasyon kamakalawa sa mga lalawigan ng Quezon at Albay.

Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, naaresto ng PIU, QPPO, katuwang ang Lucena CCPS, si alias Jen, 61, isang Regional Level Most Wanted Person (MWP), dahil sa kasong Qualified Theft na walang inirekomendang piyansa, 

Sa Barangay Biyong, Tiwi, Albay, naaresto naman ng Lucena CCPS, katuwang ang Tiwi MPS, 405th A MC RMFB4A at 2nd QPMFC, si alyas “Sam,” 47, isang Provincial Level MWP dahil sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansang P200,000.

Samantala, sa Candelaria, Quezon, naaresto ng Candelaria MPS at 1st QPMFC si alyas “Kulas,” 19, isang Regional Level MWP, kaugnay ng 2-bilang ng Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Sa Barangay Lalig, Tiaong, naaresto ng Dolores MPS si alyas “Rey,” 34, isang Regional Level MWP dahil sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Sa Real, Quezon, naaresto ng General Nakar MPS si alias “Jaime,” 47, isang Provincial Level MWP, dahil sa paglabag sa Section 28 (a) na kaugnay sa Section 28(e) ng RA 10591, na may inirekomendang piyansang P200,000. 

Sa Barangay Gumian, Infanta, naaresto ng Jomalig MPS si alyas “Jomar,” 40, isang Other Wanted Person, kaugnay ng paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 para sa service of sentence.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with