^

PSN Palaro

Montebon inakay Adamson sa panalo

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinagit ng Adamson University ang 85-57, panalo laban sa University of Sto. Tomas kahapon sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sinandalan ng Soaring Falcons ang nagliliyab na opensa ni Matthew Montebon matapos itarak ang 21 points at tulungan ang koponan na ilista ang 2-1 karta.

Nagpatuloy ang pagdomina ng Adamson sa UST dahil tinuka ng Fal­cons ang ikatlong sunud-na panalo sa Grow­ling Tigers matapos nilang walisin ang kanilang mga tapatan sa elimination round noong nakaraang season, kung saan nanalo ang San Marcelino-based squad sa iskor na 69-59 at 97-96.

Naging mabalasik sa unang dalawang quarters ang Soaring Falcons kaya nahawakan nila ang 13-point lead, 36-23 sa halftime.

Samantala, nanatili sa tuktok ng team standings ang Ateneo de Manila University matapos nilang ilipad ang 87-76 panalo kontra National Univrsity at ilista ang 3-1 baraha.

Natambakan ang Blue Eagles sa second quarter pero biglang pumabor sa kanila ang bola upang ilista ang 26-4 run at maagaw ang bentahe, 45-40 sa halftime.

Nakitaan ng determinasyon ang Ateneo sa se­cond half dahil kahit nalamangan ulit sila ay nanatili ang kanilang tikas para makuha ang mahirap na panalo.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with