74 milyong botante inaasahan ng Comelec sa 2028 elections
MANILA, Philippines — Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na posible umanong umabot sa 74 milyon ang mga rehistradong botante na makakaboto sa 2028 national and local elections (NLE).
Ito ang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia at inaasahan nilang madaragdagan pa ng tatlong milyon ang bilang ng mga rehistradong botante, bago sumapit ang halalan sa taong 2028 lalo na at nakatakdang muling buksan ng poll body ang voter registration sa ikalawang linggo ng Nobyembre.
Kasunod na rin ito nang pagpapasa sa batas na nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sanang idaos sa Nobyembre.
- Latest
















