^

PM Sports

Eala hahataw sa Asian Games quarterfinals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Eala hahataw sa Asian Games quarterfinals
Pilit hinabol ni Pinay tennis star Alex Eala ang bola sa kanilang laro ni Patcharin Cheapchandej sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
POC Pool

MANILA, Philippines — Pinakain ni top seed Alex Eala ng alikabok si Patcharin Cheapchandej ng karibal na Thailand, 6-1, 6-0, upang umabante sa quarterfinals ng 2026 Achi-Nagoya Asian Games kahapon sa mas maliit na Indoor Court C ng Higashiyama Park Tennis Center sa Japan.

Halos isang oras lang ang kinailangan ng 21-anyos na Filipina tennis darling upang ilaglag ang Thai bet at maikasa ang quarterfinal duel kontra kay WTA No. 143 at No. 8 seed na si Joanna Garland ng Chinese Taipei na umiskor din ng 6-1, 6-1 panalo kontra kay No. 1030 Mandegar Farzami ng Iran.

Bilang top seed, may first-round bye si Eala kaya abante agad sa Round of 16 at nagkaroon ng dagdag na pahinga kumpara kay Cheapchandej na tinalo si Mahin Aftab Qureshi ng Pakistan sa Round 1, 6-1, 6-1.

Sa center court dapat ang laban ni Eala, WTA No. 18, at Cheapchandej, WTA No. 517, subalit nilipat ito sa mas maliit na practice court dahil sa malakas na ulan.

At bagama’t halos walang fans sa loob hindi tulad ng mas malalaking venues niya sa WTA Tour, parehong gilas at angas ang ipinamalas ni Eala nang isang beses lang natalo sa buong laro.

Ratsada sa 4-0 si Eala sa 1st set bago umiskor ng 6-0 sa 2nd set para sa magandang panimula ng kanyang sakripisyo para sa bayan matapos hindi lumahok sa mandatory WTA1000 China Open sa Beijing at namumurong magmulta ng $10,000 mula sa WTA.

Dagdag ito sa panalo ng Team Philippines sa tennis kahapon matapos ang 6-4, 1-6, 10-8 panalo nila Shaira Hope Rivera at beteranong si Ni? Alcantara sa mixed doubles Round 1 kontra kina Meshkatolzahra Safi at Kasra Rahmani ng Iran.

Makakatapat nila ang home bets na sina Shuko Aoyama at Yusuke Kusuhara ng Japan para sa tiket sa quarterfinals.

Matatandaang nagkasya lang sa 2 tansong medalya si Eala sa kanyang unang sabak noong 2023 Asiad sa Hangzhou, China subalit siya ngayon ang paborito sa women’s singles gold dahil sa kawalan nina Asiad at Olympic gold medalist Zheng Qinwen ng China, world No. 1 Elena Rybakina ng Kazakhstan, No. 17 Naomi Osaka ng Japan at No. 49 Janice Tjen ng Indonesia.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with