^

Metro

Mga iskul sa Parañaque nilagyan ng metal detectors

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga iskul sa Parañaque nilagyan ng metal detectors
Sinimulan na ang paggamit sa walkthrough metal detectors sa Parañaque National High School (PNHS) main campus sa Brgy. San Dionisio ­nitong Biyernes na ipinatutupad ni Mayor Edwin L. Olivarez, PNHS Principal Dr. Eduardo Taguiam at Brgy. San Dionisio Chairwoman Eva Olivarez para sa seguridad ng mga estudyante.

MANILA, Philippines — Inilunsad ni Mayor Edwin L. Olivarez ­nitong Biyernes ang paggamit ng walkthrough metal detectors sa mga pampublikong paaralan sa Parañaque City upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, sa gitna ng mga insidente ng pamamaril at pananak­sak sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nauna rito, nagkabit ang Pamahalaang Lungsod ng mga closed-circuit television (CCTV) ­camera sa mga bakuran ng paaralan at nagtalaga ng mga miyembro ng Civil Security Unit sa iba’t ibang campus upang ipa­tupad ang seguridad kasama ang mga guwardiya at opisyal ng paaralan.

Kabuuang 16 na walkthrough metal detector, tatlo ang inilagay sa Para­ñaque National High School Main, habang tig-iisa sa Don Bosco High School, PNHS Senior High School, Moonwalk National High School, Sun Valley National High School, Dr. Arcadio Santos National High School, Masville National High School, Masville Senior High School, Parañaque Science High School, Tambo National High School, Marcelo Green National High School, Don Galo National High School, Sto. Niño National High School, at San Antonio National High School.

Ang susunod na batch ng mga scanner ay ikakabit sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre, ayon kay Dolly Villar, pinuno ng Parañaque Local School Board.

Nanawagan si Olivarez sa mga pribadong high school at elementarya na maglagay din ng walkthrough metal detector sa kanilang mga campus.

SCHOOL

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with