^

Probinsiya

Negosyante pinatay, itinapon sa Kalinga

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Isang 43-anyos na negosyante ang natagpuan na wala nang buhay sa liblib na lugar sa Rizal, Kalinga kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Kalinga PNP, may saksak sa tagi­lirang katawan ang lalaking biktima na nakita sa Sitio Andarayan, Barangay Santor sa bayan ng Kalinga dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang ang katawan nito sa lugar dahil walang nakitang bakas ng dugo sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay.

Samantala, inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan sa isa namang bangkay na natagpuan sa isang irrigation canal sa bayan ng Cordon, Isabela, dakong alas-6:50 kamakalawa ng umaga.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa edad 35 hanggang 45 ang biktima na nasa 5’7” ang taas at may mga tattoo sa dibdib, braso at paa.

KALINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with