^

Probinsiya

2 trader todas sa Maguindanao ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 trader todas sa Maguindanao ambush!
Patay na dinatnan ng pulisya sa kanilang payong-payong tricycle ang dalawa sa tatlong dealers ng mga produkto na tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa kilalang armadong grupo sa Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang dalawang lalaking negos­yante at sugatan ang kanilang kasama nang tambangan ng mga armado habang sakay ng isang payong-payong tricycle sa Barangay Pembalkan, Mamasapano, Maguin­danao del Sur nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang mga ambush victims na sina Fahad Sula at Alfaris Dalinding, kapwa etnikong Maguindanao.

Sugatan naman sa insidente ang isa pang kasama na kinilalang si Asmawi Bantas.

Ang tatlong biktima ay mga dealer ng iba’t ibang legal na produkto na kanilang inilalako sa Mamasapano at mga karatig bayan sa Maguin­danao del Sur.

Lumalabas na patungo sa isang lugar ang mga biktima, sakay ng payong-payong tricycle na pinagkakaragahan ng kanilang mga produkto nang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa isang bahagi ng highway sa Barangay Pembalkan na agad tumakas sakay ng mga motorsiklo.

Inaalam pa ng mga imbestigador mula sa Mamasapano Municipal Police Station at mga opiysal ng Maguindanao del Sur ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang mga responsable sa naturang krimen at kung ano ang kanilang motibo.

MAGUINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with