Brgy. Chairman itinumba
MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng nag-iisang armadong salarin na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Kansumandig, La Libertad, Negros Oriental noong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Dennis Himpayan, 42 taong gulang, chairman sa naturang Barangay.
Sa ulat, naganap ang pamamaslang sa biktima sa nasabing lugar dakong alas-5:30 ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin at paputukan ito ng sunud -sunod sa katawan.
Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis namang tumakas ang salarin matapos masigurong napuruhan ang target.Narekober naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Bago ito ay namataan ng mga residente sa lugar na kahina-hinalang umaaligid ang suspect at tila may inaabangan.
Isinasailalim pa ng mga operatiba ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.
- Latest

















