^

PSN Palaro

Pinay woodpushers pumapalag pa sa Olympiad

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanatili ang matikas na laro nina Woman International Master Jan Jodilyn Fronda-Grafil at Mhage Sebastian para akbayan ang Philippine women’s team sa panalo kontra Kyrgyzstan, 3.5 - 0.5 sa round seven ng 46th World Chess Olympiad na nilaro sa Silk Road International Exhibition Centre sa Samarkand, Uzbekistan Miyerkules ng gabi.

Unang nanalo ni Fronda-Grafil matapos pagpagin si Woman FIDE Master Aizhan Sezdbekova sa board three bago nakipaghatian ng puntos si WFM Shania Mae Mendoza Kay WFM Aimonchok Zhunusbekova sa board four.

Impresibo naman ang panalo ni Sebastian laban kay WFM Nurai Sovetbekova sa top board habang ang panalo ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kontra WFM Aleksandra Samaganova sa board two ang nagsiguro sa panalo ng Team Philippines.

Kasalukuyang sumiksik ang Filipinas sa 26-nation sa 12th place na may tig-10 match points sa event na may apat na rounds na lamang ang natitira.

Para makasampa sa top 10, kailangan ng Natio­nals na kaldagin ang 23rd-seeded Romanians sa eighth round upang mas lalong mapalakas ang tsansa sa asam na korona.

Napahirapan ang Romania nang talunin nila ang Philippines, 2.5-1.5 nang magharap sila sa ninth round sa Budapest edition may dalawang taon na ang nakalipas.

Nasa kukote ng women’s team na makapaghiganti sa Romania.

Si Fronda-Grafil ang may best performance sa team, nakapagtala ito ng 5.5 points sa six outings habang si Sebastian ay umiskor ng 4.5 points laban sa mga higher-rated na katunggali.

CHESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with