^

Metro

FEU Alabang, sinuspinde ang klase dahil sa bomb threat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Far Eastern University (FEU) Alabang campus sa Muntinlupa City ang klase ng senior high school at college students, gayundin ang trabaho ng faculty at staff, nitong Huwebes, Setyembre 24, matapos makatanggap ng bomb threat.

Ayon sa pamunuan ng FEU Alabang, natanggap dakong alas-10:07 ng umaga ang mensahe mula sa isang alyas “Huey Kevin” sa kanilang Facebook page na nagsasabing may bombang nakalagay umano sa isang bag na iniwan sa loob ng campus.

Agad namang humi­ngi ng tulong sa pulisya ang mga security personnel ng paaralan. Rumesponde sina PMaj. Velmor Deatras, PCpl. Mark Diloy at Pat. Leo Saman ng Alabang Police Sub-Station upang magsagawa ng kaukulang seguridad at beripikasyon.

Dakong alas-11 ng umaga nang ipahayag ng pamantasan ang suspensyon ng klase at trabaho, alinsunod sa tagubilin ng mga awtoridad. Pinayuhan ang mga estudyante at kawani na manatiling kalmado at maayos na lisanin ang campus. Wala pang inilalabas na resulta ang mga awtoridad hinggil sa bomb threat habang isinusulat ang balita.

BOMB THREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with