^

Metro

PNP palalakasin ang crisis response sa hostage-taking

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palalakasin ng Philippine National Police (PNP) ang kakayahan nito sa pagtugon sa hostage-taking at iba pang high-risk emergencies sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya at international best practices.

Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ina-update ng PNP ang mga operational protocol nito upang matiyak na may sapat na kasanayan at makabagong kagamitan ang mga tactical unit, kabilang ang posibleng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa crisis response.

Sinabi ni Nartatez na mahalaga ang mabilis at maayos na pagdedesisyon sa mga hostage situation dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga biktima. ­Aniya, kailangang mabigyan ang mga tauhan ng tamang training, teknolohiya at kaalaman upang epektibong makaresponde sa bawat insidente.

Ang modernization initiative ay bahagi umano ng direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Interior Secretary Jonvic Remulla na paigtingin ang ope­rational capabilities ng mga law enforcement agency laban sa mga umuusbong na banta sa seguridad.

Inatasan din ni Nartatez ang PNP Anti-Kidnapping Group na magsagawa ng regular na briefing sa mga regional at local police office upang mapag-isa ang mga protocol sa hostage negotiation at mapahusay ang crisis response operations sa buong bansa.

PNP

TEKNOLOHIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with