^

Probinsiya

Bailey Bridge sa Tarlac City, nadaraanan na - DPWH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Load limit ng mga sasakyan ipinaalala

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil simula kahapon ay nadaraanan nang muli ang temporary Bailey Bridge sa Tarlac City.

Ito ang magiging pansamantalang tawiran ng mga residente at motorista matapos na gumuho ang Agana Bridge sa naturang lungsod, may tatlong linggo na ang nakalilipas, kasunod nang malakas na pag-ulang dala ng Habagat.

Nabatid na ipinag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang 24/7 construction works sa tulay upang mapabilis ang pagbubukas nito, alinsunod na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking maibabalik agad ang koneksyon at access sa probinsya ng Tarlac at iba pang kalapit na bayan.

Mahigpit naman ang paalala ni Dizon sa publiko na sundin ang itinakdang load limit at stop-and-go traffic scheme sa naturang temporary bridge upang matiyak ang ligtas at maayos na pagdaan ng publiko.

Naglabas din ang DPWH ng listahan ng mga sasakyang maaa­ring dumaan sa nasabing tulay.

Ayon sa DPWH, passable lamang muna sa mga light vehicles ang temporary bridge at itinakda ang 10 tons na maximum vehicle load limit at 20 kilometer per hour na maximum speed limit, na kinabibilangan ng sedan o hatchback, crossover o sports utility vehicle, pick-up truck, standard passenger van, jeepney, lightweight truck, coaster, motorcycle, e-bike, at tricycle.

TARLAC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with