^

Punto Mo

EDITORYAL — Shooting ­incident na naman sa paaralan

Pang-masa

EKSAKTONG isang buwan mula nang maganap ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University junior high school noong Agosto 18 na ikinamatay ng tatlong estudyante kabilang ang suspect, isa na namang katulad na karahasan ang nangyari sa eskuwelahan. Tatlong estudyante rin ang namatay kabilang ang suspect sa shooting incident sa Banga National High School sa South Cotabato. Walong estudyante ang nasugatan na naganap dakong 1:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na may mga kaklase umanong nabigyan ng babala bago ang pamamaril subalit hindi ito binigyang-pansin dahil inakalang biro lamang ang banta. Ayon sa pulisya, ang baril na ginamit ay pag-aari umano ng ama ng estudyante at nakuha mula sa vault sa kanilang bahay.

Sa bagong pangyayari, maraming suhestiyon ang Philippine National Police (PNP) at isa rito ang tuluyan nang ipagbawal ang gadgets sa mga paaralan.

Inirekomenda rin ng PNP ang paggamit ng barangay tanod bilang dagdag na security force, at iba pang hakbang para palakasin ang kaligtasan sa mga paaralan.

Ang suhestiyon ng PNP na ipagbawal ang gadget ay maaring gawin pero hindi dapat isipin na sapat na ang gadget ban para maging ligtas ang mga ­estudyante sa karahasan.

Maraming bahagi ang nararapat ayusin nang sabay-sabay kaugnay sa pangyayari. Puwedeng higpitan ang paggamit ng cell phone at bantayan ang harmful online content.

Iniimbestigahan din kung may impluwensiya ang online groups sa shooter, pero hindi pa ito napapatunayang dahilan ng insidente.

Kaya hindi dapat dito lamang umikot ang solusyon.

Kailangan nang mas maayos na sistema para mai-report agad ang threats at warning signs. Kailangan ng sapat na security personnel, mas malinaw na coordination sa pagitan ng schools, parents, barangay at police, at mas responsableng pag-iingat ng mga baril sa bahay.

Mismong si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang umaming hindi sapat ang paghahanda ng education sector sa ganitong uri ng school shooting at may kakulangan pa sa fencing at security personnel sa mga paaralan.

Kung seryoso ang pamahalaan na pigilan ang susunod na trahedya, kailangang bantayan hindi lamang ang gadgets na hawak ng mga bata, kundi pati na rin ang mga babalang nakikita bago pa mangyari ang malagim na insidente.

SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with