^

Police Metro

Ateneo law student nahulog mula 16th floor ng condo, patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 24-anyos na lalaking freshman student mula sa Ateneo de Manila Law School ang nasawi noon din matapos na mahulog mula sa ika-16 palapag at bumagsak sa ika-4 na palapag ng isang condominium building sa Bonifacio Global City, Taguig City nitong Biyernes.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police Station, alas-7:30 ng umaga ng Setyembre 18, nang maganap ang insidente ng pagkamatay ng biktimang si alyas “N. A.,” sa inuupahan nitong Fort Victoria Building, sa Barangay Fort Bonifacio.

Unang nakarinig ng kalabog ang condominium security personnel, maintenance worker at ilang tenants, at nang alamin ay nakitang wala ng buhay sa lapag ang biktima.

Sinabi ni Taguig CPS chief, P/Colonel Julius A?nuevo, na inaalam pa kung nagpatiwakal ang biktima dahil patuloy pang sinusuri ang ang mga kuha ng CCTV sa lugar at hihintayin pa ang resulta ng awtopsiya sa bangkay.

Nabatid naman sa isang source na nakainom umano ng alak ang biktima bago ang insidente ng pagkahulog nito.

Nilinaw ni A?nuevo, na walang katotohanan na anak ng state witness na si Department of Public Works and Highways Bulacan District Engineer Henry Alcantara ang biktima, bilang reaksyon sa mga naglalabasang ulat.

Sinabi niya na nakausap na niya ang pamilya ng biktima at itinanggi na may relasyon o kaanak ang engineer na nasasangkot sa kontrobersiyal na flood control projects anomaly.

“Malayong-malayo naman ‘yun sa isyu, kasi taga-Batangas sila, hindi Bulacan, at hindi nila kaanu-ano ‘yung si Engineer Henry Alcantara,” ani A?nuevo.

Nagkataon lang na kaapelyido at ang tatay ng biktima ay isang retiradong opisyal ng DPWH, at may tiyuhin din na nagngangalang Henry Alcantara, pero hindi umano ang nasabing personalidad na kabilang sa mga kaso ng flood control projects.

Nanawagan din ang mga awtoridad na iwasan ng netizen ang mga haka-haka at pagpo-post sa social media na nag-uugnay sa apelyido ng biktima.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya habang hinihintay pa ang resulta ng otopsiya sa bangkay para matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

ATENEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with