4 HS student dedo sa leptospirosis

MANILA, Philippines — Nasawi bunsod ng sakit na leptospirosis ang apat na estudyante ng Sta. Maria National High School sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan.
Sa pahayag ng Sta. Maria National High School Supreme Secondary Learner Government, kinilala ang mga nasawi na sina John Carl Corpuz, 12; Prince John Fernando, 8; Andrei Mariano 12; at Mark Daniel Oquelda 10.
Magkakasunod na pumanaw ang mga estudyante mula September 1 hanggang September 15, taong ito matapos ang mga pagbabaha sa lugar.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong komunidad ng paaralan sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi.
Paalala ng mga otoridad, iwasang lumusong o lumangoy sa baha lalo na kung may posibilidad na kontaminado ito ng ihi ng mga daga dahil dito maaaring makuha ang leptospirosis.
Mahalaga rin anila na panatilihing malinis ang paligid, magsuot ng proteksiyon kapag kailangang lumusong sa baha, at agad magpatingin sa doktor kapag makaranas ng lagnat, pananakit ng katawan o iba pang sintomas matapos ma-expose sa baha.
- Latest



















