^

PSN Palaro

Alex Eala nakaabang sa makakalaban sa Singapore Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alex Eala nakaabang sa makakalaban sa Singapore Open
Alex Eala
STAR/ File

MANILA, Philippines — Makakapag-ensayo pa ng husto si Pinay tennis ace Alex Eala bago sumalang sa 2026 Singapore Open na ginaganap sa Kallang, Singapore.

Inilabas na ng mga organizers ang draw sa torneo kung saan hawak nito ang No. 3 seed kaya’t nakasiguro ito ng first round bye.

Sisimulan ni Eala ang kampanya nito sa Round of 16 na lalaruin sa Miyerkules.

Wala pang kalaban si Eala dahil hihintayin pa nito ang mananalo sa pagitan nina Sofia Costoulas ng Belgium at Tatiana Prozorova ng Russia sa opening round.

Lalaruin ang laban nina Costoulas at Prozorova ngayong araw.

Nasa draw ni Eala si Croatian Donna Vekic na posible nitong makaharap sa quarterfinals.

Nakalinya rin si Amanda Anisimova ng Amerika sa semifinals at reigning French Open champion Mirra Andreeva ng Russia sa finals.

Kaya naman walang sinasayang na sandali si Eala dahil pukpukan ang ensayo nito bawat araw para masigurong nasa perpektong kundisyon ito.

Inaabangan na si Eala ng mga Pinoy fans sa Singapore na nais siyang masilayan sa paglalaro.

Nang dumating ito sa Singapore, agad na sumalang si Eala sa isang event.

Nagkaroon pa ito ng pagkakataon na ma-interview ng CNA Lifestyle kung saan tinanong ito ung sino kina boxing legend Manny Pacquiao at tennis great Rafael Nadal ang pipiliin nito.

Hindi naman nagbigay ng sagot si Eala.

“Guys, that’s not fair. You guys did me dirty,” ani Eala.

Ang Singapore Open ang unang torneo ni Eala matapos ang US Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with