Marcial malabo nang makasuntok sa Asiad

MANILA, Philippines — Walang kasiguruhan ang paghabol ni Eumir Marcial sa Team Philipines para sa 2026 Asian Games boxing sa Japan.
Manggagaling si Marcial sa laban kontra kay Omar Huerta sa Temecula, California kasabay ng draw sa kung sinu-sino ang makakatapat ng mga Pinoy pugs para sa pambatong boxing event simula sa Setyembre 23.
“Mahirap umasa. Very stressful umasa,” ani Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Marcus Manalo.
“I think malabo na. Mabigat din ang kalaban niya. If he wins, ano ang condition niya? Kung makahabol siya, may jetlag pa siyang haharapin.”
May malinis na 7-0 kartada si Marcial bilang professional fight at nakatakdang harapin ang Mexican na si Huerta (15-1-1, 13 KOs) sa 8-round middleweight bout sa Amerika.
Sa Asiad sa Japan, nakalista siya sa 80kg division para sana sa ikatlong sunod na kampanya matapos ang tanso at pilak na medalya sa 2018 Jakarta-Palembang at 2023 Hangzhou.
Galing din sa hand injury si Marcial na isa sa bronze medalists ng bansa noong 2020 Tokyo Olympics.
Gayunpaman, ipinapaubaya ng ABAP ang kapalaran kay Marcial mismo kung aabot siya sa Asiad o kung nasa tamang kundisyon dependa sa kahi-hinatnan ng laban niya kay Huerta.
Sasandal ngayon ang ABAP sa pambato pa ring koponan na binabanderahan ng mga batikang figh-ters na sina Nesthy Petecio, Aira Villegas at Carlo Palaam.
- Latest


















