^

Police Metro

South Cotabato school shooting: 3 patay, 6 sugatan

John Unson, Doris Franche-Borja - Pang-masa
South Cotabato school shooting: 3 patay, 6 sugatan
Police forensic experts sift through the scene of the deadly gun rampage on Sept. 18, 2026, inside a school campus in Banga, South Cotabato.
Philstar.com/John Unson

MANILA, Philippines — Tatlong estudyante ang nasawi habang 6 iba pa ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa loob ng Banga National High School, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr., na rumes­ponde sa insidente na ang shooter na isang 16-anyos ay nagbaril sa sarili matapos na mapatay ang dalawang estudyante na kapwa 14-anyos na idineklarang dead on arrival sa ospital. Habang ang anim na nasugatan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay patuloy na inoobserbahan.

Sa pahayag ng mga pulis ng Banga Municipal Police Station na ala-1:00 ng hapon nang isagawa ng shooter ang pamamaril sa kanyang mga schoolmates sa loob ng paaralan.

“Masakit sa akin na nangyari pa ito sa isang eskwelahan na fully guarded naman,” wika ni Tamayo Jr.

“Kaya’t ako ay nananawagan sa mga magulang, sana huwag niyong hayaan na open sa mata, at access ng bata yung mga baril mayroon kayo. Dapat maging responsable kayo, dahil may pananagutan yung mga magulang dito dahil yung mga baril ay easy access pala sa kabataan,” dagdag pa ni Tamayo.

Agad naman sinuspinde ang klase sa lahat ng public at private schools hanggang Lunes bilang precautionary measure.

SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with