^

Metro

Immigration officer timbog sa ‘kindatan code’ sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Buking sa human trafficking

MANILA, Philippines — Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang immigration officer na umano’y nagpapalusot ng mga biktima ng human trafficking kapalit ng P40,000 bawat pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa NBI, nabu­king ang modus nang i-report ng isang recruit ang umano’y recruitment scheme na nag-aalok ng P50,000 buwanang sahod bilang call center agent sa Cambodia. Bago siya umalis, binigyan umano siya ng mga recruiter ng instruksyon kung paano makikilala at makakalusot sa immigration counter.

Sa isinagawang pagmamanman ng NBI sa NAIA Terminal 1, nakita umano nilang kumindat ang duty immigration offi­cer sa babaeng pasahero matapos itong lumapit sa counter. Ayon sa complainant, inutusan siyang makipagtitigan sa opisyal bilang hudyat na siya ang dapat palusutin.

Matapos siyang tanungin kung kailan siya babalik at hindi makasagot, ang immigration officer umano mismo ang nagsabi ng petsa at pagkatapos ay kinindatan siya bago tatakan ang kanyang pasaporte. Matapos makalusot, agad namang inaresto ng mga operatiba ng NBI ang opisyal.

Sinabi ni NBI-Dangerous Drugs Division chief Atty. Ross Jonathan Galicia na natukoy nilang limang recruit ang nakatakdang palusutin ng suspek patu­ngong Thailand, Malaysia at Hong Kong bago bumiyahe patungong Cambodia. P40,000 umano ang bayad sa bawat recruit na mapalulusot, kung saan may mag-aayos ng kanilang biyahe patungo sa mga scam hub.

Dalawa pang Pilipino ang nailigtas na umano’y pinalusot ng suspek. Nakabalik na sa Malaysia ang isa habang patuloy na hinahanap ang dalawa. Samantala, anim pang indibidwal, kabilang ang ilang empleyado ng Bureau of Immigration, ang kinasuhan ng qualified human trafficking.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with