Barko sumadsad sa Occ. Mindoro: 117 nasagip
MANILA, Philippines — Nasa 117 katao kabilang ang 80 pasahero ang nasagip makaraang aksidenteng sumadsad ang sinasakyan nilang pampasaherong barko malapit sa karagatan ng Brgy. Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro nitong Huwebes ng madaling araw.
Sa ulat, sinabi ni Geoffrey Panganiban, hepe ng Abra de Ilog Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pasado alas-12:30 ng madaling araw nang makatanggap sila ng distress call mula sa barkong Roromaster 5 hinggil sa insidente.
Ang nasabing barko ay may sakay na 117 katao na kinabibilangan ng 80 pasahero habang nasa 37 naman ang mga crew.
Mabilis na nagresponde sa lugar ang mga personnel ng MDRRMO, Philippine National Police at Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang mga kinatawan ng Municipal Health Office at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang saklolohan ang mga pasahero at crew ng barko na matagumpay na nasagip.
- Latest
















