^

PSN Palaro

Means ipaparada ng Gilas Women vs Kazakhstan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang Gilas Pilipinas Men, ang Gilas Women naman ang sasabak sa women’s 5x5 basketball tournament ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ipaparada ng Gilas Women si naturalized player Elizabeth Means sa pagsagupa sa Kazakhstan sa Group B ngayong alas-3 ng hapon sa Aichi International Arena.

Nakuha ng California-born na si Means ang kanyang Philippine citizenship noong Hulyo sa pamamagitan ng Republic Act 12319.

Kakampanya ang Gilas Women na wala sina Vanessa De Jesus at Jack Animam na mga top pla­yers ng tropa bukod kay Kacey Dela Rosa sa nakaraang FIBA Pre-Olympic Qualifying Tournament sa Guadalajara, Mexico.

Si bagong head coach BT Toews, pumalit kay Patrick Aquino na humahawak ngayon sa Blackwater sa PBA, ang nagmando sa tropa sa nasabing torneo.

Makakasama ni Means sa 12-woman roster ng Gilas Women sina Afril Bernardino, Stef Bernabe, Camille Clarin, Monique Del Carmen, Jhazmin Joson, Camille Malagar, Kent Pastrana, Janine Pontejos, Karl Ann Pingol, Angel Surada at Hazelle Yam.

Nakapasok ang mga Pinay cagers sa quarterfinals ng 2022 Hangzhou Asiad sa China na kanilang pilit papantayan o lalampasan sa Aichi-Nagoya edition.

Kasama ng Gilas Women at Kazakhstan sa grupo ang host Japan at Hong Kong.

Matapos ang Kazakhs­tan, sunod na lalabanan ng Gilas Women ang Hong Kong sa Linggo sa alas-9 ng umaga bago tapusin ang preliminary round kontra Japan sa Setyembre 22 sa alas-12 ng tanghali.

Tinalo ng Gilas Women ang Kazakhstan, 83-59, at ang Hong Kong, 99-63, bago kinapos sa Japan, 59-96, sa group phase ng Hangzhou Asiad.

Natalo sila sa South Korea, 71-93, pagdating sa quarterfinals.

Ang top two teams sa bawat grupo at ang dala­wang best third-placed teams ang uusad sa knockout stages.

GILAS WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with