Hirit na asylum ni Harry Roque ibinasura - Remulla

MANILA, Philippines — Ibinasura ang hirit na asylum ni dating presidential spokesman Harry Roque, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
“By the way, tapos na ’yung asylum, na-deny ’yung asylum ni Harry Roque. Tapos na ’yung five months. Kung may red notice na, kukunin ko siya,” pahayag ni Remulla. Hindi tinukoy ng kalihim kung aling bansa ang tumanggi sa asylum bid ni Roque.
Matatandaan na noong Nobyembre 2025, kinumpirma ni Roque na nag-apply siya ng asylum sa Netherlands, ngunit ipinasa ang kanyang aplikasyon sa Austria dahil dito siya nabigyan ng visa.
Pangako ni Remulla, iuuwi niya si Roque sa oras na mailabas ang red notice.
Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng POGO Lucky South 99.
- Latest





















