BARMM Parliamentary Elections binalot ng sindak!
BINALOT nang sindak ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections matapos maghasik ng kaguluhan ang ilang supporters ng mga politiko sa bisperas at mismong araw ng eleksyon. Paano magkakaroon ng pagbabago sa kalupaan ng BARMM kung patuloy na nakakalusot sa mahigpit na pagbabantay ng mga kasundaluhan at kapulisan. Sa totoo lang mga suki, mahigit sa 30,000 sundalo ng Armed Forces of Philippine at kapulisan na nagmula pa sa iba’t ibang units ng Philippine National Police ang ipinakalat sa naturang lalawigan upang mapanatili ang matiwasay at katahikan ng eleksyon. Subalit, mukhang may ilan sa ating mga politiko ang pinalakas ang kanilang mga alagang private armies at mga armadong supporters upang takutin itong mga kababayan nating Muslim na nagnanais na ng pagbabago sa kanilang mga lider o Local Government Units (LGUs).
May bali-balita pa na sinasamantala ng ilang tribo ang eleksyon upang guluhin ang katiwasayan ng BARMM Election dahil nga sa kinakatigan nitong politiko. Ang masaklap nito, ang mga nasasaktan rito at nawalan na ng pagasa na makaahon sa kahirapan ay itong mga mahihirap nating mga Muslims sa naturang rehiyon. Bgo pa naganap ang eleksyon nitong araw ng Lunes ay may nangyari ng patayan at pagpalitan ng putok sa kanilang lugar. Kasi nga ang mga bayan ng Cotabato City, Tawi-Tawi, Basilan, Maguindanao del Norte at Lanao del Norte ang maituturing na “hot spot” ayon sa pahayag ng Commission of Election (COMELEC) dahil may mga insidente ng patayan at karahasan. Kaya naman upang maibsan ang takot at makumbinsj itong mga kapatid nating Muslim na lumabas at magpartisipa sa ‘botohan’ at makapagluklok ng lider na makapagbibigay sa kanila ng kapayapaan at hanapbuhay ay personal na tinutukan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang eleksiyon.
Ayon kay Garcia, nasa Maluso, Basilan siya at nasagap nga niya ang problema ng may 36 polling precincts matapos magkaroon ng aberya ang mga makina at balota. Maging ang Cotabato ay may 58 polling precint s ang nailagay rin sa pagresponde ng Comelec. Subalit siniguro ni Chairman Garcia na mgagampanan nila at maisasaayos ang mga problema sa makina at balota hanggang sa canvassing.
Kaya’t mga suki, habang inaantay natin ang resulta, ipagdasal natin na nawa’y maging matiwasay at maging matagumpay ang kauna-unahang BARMM Elections. Abangan!
- Latest




















