^

Metro

Lola todas sa tumagilid na PUJ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

8 pa sugatan

MANILA, Philippines —  Isang lola ang patay habang walong pasahero pa ang sugatan nang tumagilid ang isang pampasaherong jeep na kanilang sinasakyan sa Sta. Cruz, Manila kama­kalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilala lamang sa alyas na “Rose”, 65, matapos na bumaon at tumagos ang katawan nito sa isang mahabang bakal habang sugatan naman at pawang nilapatan na ng lunas sa pagamutan ang walo pang pasahero na ang pinakabata ay nasa 24-anyos lamang.

Ang iba sa kanila ay pinayagan nang makauwi sa kanilang mga tahanan matapos na makumpirmang maayos na ang kalagayan ng mga ito habang ang iba na nangangailangan ng lunas ay nananatili pa sa pagamutan.

Samantala, hawak naman na ng mga pulis ang driver ng jeep na residente ng Caloocan City.

Batay sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nabatid na pasado alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Rizal Avenue Extension sa Sta. Cruz.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan umano ng preno ang driver sa sasakyan kaya nagpasya siyang ibangga ito sa bakal na poste, sanhi upang tumagilid ito.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tsuper na mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 4136 o Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Multiple Injuries, and Damage to Property.

PUJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with