Lider ng NPA, 3 pa dedo sa engkwentro!
MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng militar kasunod ng pagkakapaslang sa isang itinuturing na high ranking na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at tatlo pang miyembro ng komunistang grupo sa bakbakan ng magkabilang panig sa Brgy. Bakingking, Ezperanza, Agusan del Sur nitong Sabado.
Sa report ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Marion Angcao, kinilala ag napatay na opisyal ng CPP-NPA na si Julia Cagadas alyas Ka Rheda, Secretary ng North Central Mindabao Regional Committee (NCMRC) at nagsisilbi ring mataas na lider ng NPA sa Northern Mindanao (Region X).
Ang tatlo pang nasawi ay sina Jonny Lindayo alyas “Ka Kikoy”; Rochamae Bihag alyas “Ka Maki”, at Gerald Basahon alyas “Ka Doydoy”.
Arestado naman sa operasyon ang tatlo pang rebelde na sina Cherelyn Cuarisma Magsayo alyas Ka Lianp; Marilyn Taquiin alyas “Ka Mayang” at Angelito Torres alyas “Ka Erin” nang makorner ng mga sundalo habang papatakas.
Bandang alas-5:30 ng umaga nang maganap ang sagupaan sa liblib na lugar ng Brgy. Bakingking sa Esperanza nitong Sabado.
Base sa report, isinuplong ng mga sibilyan sa mga sundalo ang presensya ng grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar kahapon ng umaga kaya’t mabilis na nagresponde ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan na ikinasawi ni Ka Rheda at tatlo nitong tauhan na inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.
Narekober sa encounter site ang anim na matataas na kalibre ng baril na kargado ng mga bala.
- Latest





















