8 focus crimes sa Quezon City,, bumaba ng 42.86%
MANILA, Philippines — Bumaba ng 42.86% ang insidente ng walong focus crimes sa Quezon City, mula 28 kaso noong Agosto 22 hanggang 28, 2026, sa 16 na kaso mula Agosto 29 hanggang Setyembre 4.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), 12 insidente ang nabawas sa loob ng isang linggo. Kapwa 100% ang ibinaba ng murder at motorcycle carnapping, habang 66.67% naman ang ibinaba ng physical injury at rape.
Bumaba rin ng 25% ang robbery at 15.38% ang theft. Wala namang naitalang murder, homicide, motor vehicle carnapping at motorcycle carnapping sa pinakahuling panahon.
Iniuugnay ng QCPD ang pagbaba sa pinaigting na police visibility, regular na pagpapatrolya, intelligence-driven policing at iba pang crime prevention at suppression operations sa lungsod.
Ayon kay Acting QCPD District Director PBGen. Christopher Olazo, magpapatuloy ang kanilang mga hakbang upang mapanatili ang pagbaba ng krimen at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
- Latest






















