^

Police Metro

Palasyo: Marcos, hindi ‘inilaglag’ si Romualdez

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Walang nilalaglag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa flood control scandal.”

Ito ang nilinaw ni Pa­lace Press Officer Claire Castro sa mga puna na “nilaglag” umano ng ­Pangulo kanyang pinsan na si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naaresto dahil sa flood control scam.

Giit ni Castro, hindi niya gustong ang salitang nilaglag na ginagamit ng mga kritiko  dahil ayon naman sa Office of the Ombudsman ang kaso at mayroon silang nakitang ebidensya.

“Walang dapat nilalaglag dito, kung ano lang iyong ebidensya na nandidiyan, iyon lang doon lang tayo bumase, dahil ang Pangulo po sa mga bagay na ganyan ay neutral, proseso, batas at walang dapat na gawa-gawang ebidensya,” ayon pa kay Castro.

Nilinaw pa ni Castro na marami pang nakabinbin na kaso base sa Ombdusman at ito ay patuloy na under investigation kaya hindii pa nasasampahan ng kaso at hintayin na lamang ito.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with