4 Hapones idineport sa Japan

MANILA, Philippines — Apat na Hapones ang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa Japan noong Martes, Setyembre 8, dahil sa overstaying, kawalan ng kaukulang dokumento, at pagkakasangkot umano sa iba’t ibang ilegal na aktibidad.
Kabilang sa mga ipina-deport ay sina Oi Riho, 28, at Moriyama Yu, 31, na kapwa natukoy na overstaying at undocumented at idineklarang undesirable aliens dahil umano sa pagkakasangkot sa telecommunication fraud, online gaming fraud at isang kidnapping scheme.
Ipinatapon din sina Daisuke Ikeno, 51, at Hamai Daisuke, 53, na idineklarang undesirable aliens matapos matukoy na mga pugante mula sa hustisya sa Japan. Kapwa may standing warrant sa kanilang bansa kaugnay ng mga kaso ng pagnanakaw.
Isinakay ang apat sa isang Japan Airlines flight patungong Narita International Airport, kasama ang mga tauhan ng Japan National Police Agency (JNPA).
- Latest




















