^

Probinsiya

Barangay health worker dedo sa pickup truck

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PITOGO, Quezon - Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 42-anyos na barangay health worker (BHW) makaraang mabangga ng isang pickup truck na nawalan ng kontrol sa kurbadang bahagi ng provincial road sa Bara­ngay Bilucao sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas na “Cat,” may-asawa at residente ng Barangay Gangahin, Pitogo, Quezon.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Pitogo Municipal Police Station, dakong alas-6:30 ng ­umaga, binabagtas ng isang kulay itim na Isuzu D-Max, na may plakang NGI 167 at minamaneho ni Jay, 39, ng Tagkawayan, Quezon ang provincial road mula Pitogo, patu­ngong Macalelon, Que­zon nang bigla umano siyang mawalan ng kontrol sa manibela habang tinatahak ang kurbadang bahagi ng kalsada. Dahil dito, lumampas ang sasakyan sa kanang bahagi ng road shoulder at nabangga ang naglalakad lamang na biktima.

Nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang health worker at agad na isinugod sa Gumaca District Hospital ngunit idinekla­rang dead-on-arrival.

Nasa kustodya na ng Pitogo Police ang driver na nahaharap sa kaukulang reklamo.

HEALTH WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with