^

PSN Palaro

FEU may bangis sa UAAP Season 89

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
FEU may bangis sa UAAP Season 89
UAAP Season 89 FEU TAMRALLY 2026 (Sept 7, 2026)
Jannah Hilario/UAAP Media Team

MANILA, Philippines — Isa sa mauugong na teams sa darating na UAAP Season 89 men’s basketball tournament ay ang Far Eastern University na ginagabayan ni head coach Sean Chambers.

Magsisimula ang nasabing collegiate league sa darating na Sabado (Setyembre 12) sa Araneta Coliseum at sa 13 (Linggo) ang unang araw ng laro.

Ipaparada ni former Philippine Basketball Association champion Sean Chambers ang mga bataan nitong pinagsama ang bata at beterano sa pa­ngunguna ni reigning MVP Janrey Pasaol.

Makakasama ni Pa­saol sina Jorick Bautista, Jedric Daa, Kirby Mongcopa, Liam Salangsang at Mo Konateh nahugot din para maglaro pa rin sa FEU si UAAP Season 88 boys’ basketball MVP at incoming rookie Cabs Cabonillas.

Isang pagkakataon na lamang si Bautista dahil hu­ling taon na niya na maglaro sa UAAP season kaya naman nasa kukote nito na mag-iwan ng alala bago sumabak sa susunod na stage ng kanyang basketball career.

Para kay Pasaol, kailangan naman nitong patunayan na karapat dapat ang nasikwat na titulo bilang MVP sa nasabing liga.

Sapul ng dumating sa FEU bilang head coach si Chambers binigyan niya ng diin sa kanyang mga player ang kahalagahan ng sistema nito, at pagkatapos ng tatlong taon ay natutupad ng bahagya ang kanilang mga pinaghirapan.

Sumala ang Tamaraws sa Final Four nakaraang season, pero may matitinding sandata na sila na posibleng makabulaga ngayong season.

Mapapalaban agad ang FEU sa unang araw ng aksyon, katapat nila ang Adamson University sa alas-12 ng tanghali, masisilayan ang bakbakan ng defending champion De La Salle University at National University sa alas-2:30 ng hapon at huli ang University of the Philippines kontra University of Santo Tomas sa alas-6 ng gabi.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with