70-anyos lola natusta sa sunog sa Rizal

MANILA, Philippines — Patay ang isang 70-anyos na lola na solong naninirahan sa nasunog na barung-barong, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal nitong Lunes ng umaga.
Natagpuan ang biktimang si alyas “Amparo”, na wala nang buhay at kalahati ng katawan ang natusta.
Ayon sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, naganap ang sunog alas-7:20 ng umaga noong Setyembre 7, 2026 sa Purok Kasunugan, Sitio San Ysiro, Brgy. San Jose, ng nasabing lungsod.
Bandang alas-5:20 ng hapon ng parehong petsa ay iniulat sa Antipolo Police ang insidente na aksidente umano ang pagkasunog ng bahay ng biktima, kung saan nag-iisa siyang naninirahan.
Wala nang dinatnan ang awtoridad na istruktura ng barung-barong.
Nang magliyab umano ang bahay ng matanda ay sinubukan ng mga kapitbahay na apulain ang apoy subalit nagdire-diretso itong matupok.
- Latest



















