^

Metro

Kelot ginulpi sa loob ng SUV, todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kelot ginulpi sa loob ng SUV, todas
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Puriño”, 30; “Miranda”, 36; “Erbon”, 24, delivery rider, habang tinutugis pa si “Domingo”, 32, delivery rider, pawang residente ng Brgy. Bagbag, Novaliches, ng nabanggit na lungsod.
File photo

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtangging bayaran ang pagkakautang, pinagtulungang bugbugin hanggang sa mapatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng isang SUV sa Quezon City.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Puriño”, 30; “Miranda”, 36; “Erbon”, 24, delivery rider, habang tinutugis pa si “Domingo”, 32, delivery rider, pawang residente ng Brgy. Bagbag, Novaliches, ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Novaliches Police Station (PS-4) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-10:40 ng gabi noong Linggo (September 6), nang matag­puan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng puting Mitsubishi Montero na may plakang NIT-523 na nakaparada sa harap ng Landbank Talipapa Branch, Quirino Highway, Brg. Talipapa, Quezon City.

Batay sa salaysay ni Puriño sa mga rumes­pondeng tauhan ng PS-14, siya ang nagmamaneho ng Mitsubishi Montero na pag-aari ni Miranda, na noon ay nakasakay sa motorsiklo. Habang ang biktima, kasama sina Erbon at Domingo ang sakay niya sa Montero.

Aniya, habang binabaybay nila ang Quirino Highway, naningil umano ng utang sina Erbon at Domingo sa biktima. Nang sabihin umano ng biktima na wala siyang pambayad, nagalit si Erbon at pinagtulungan nila ni Domingo na bugbugin ang biktima hanggang sa mapatay sa loob ng sasakyan. Sinuri rin ng mga awtoridad ang CCTV at nang makumpirma ang salaysay ni Puriño ay agad inaresto sina Miranda at Erbon habang tinutugis pa si Domingo.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with