^

Probinsiya

‘Killer’ ng 4 katao sa Isabela huli sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang 37 taong pagtatago

COTABATO CITY, Philippines — Arestado na ang isang lalaking 37 taong nagtago sa batas dahil sa pagpatay umano sa apat na katao sa Isabela, sa isang matagumpay na joint operation sa pinagtataguan nito sa Upi, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules.

Ang suspek, na kinilala lamang ng mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa alyas na “Mando,” ay nasukol at pinosasan ng mga tauhan ng CIDG sa isang operasyon katuwang ang Upi Municipal Police at mga operatiba mula sa iba’t ibang yunit ng PRO-BAR sa Barangay Nuro sa Upi.

Naglaan ang Department of the Interior and Local Government ng P50,000 pabuya para sa kanyang pagkakaaresto, ayon sa mga PRO-BAR at CIDG officials na nagtulungan sa naturang law-enforcement operation.

Ayon sa mga kaibigan ng akusado, mahigit dalawang dekada na siyang naninirahan sa kanilang bayan sa Maguindanao del Norte, may 40 kilometro timog-kanluran ng Cotabato City.

Nalaman lamang umano nila na wanted si Mando dahil sa isang high-profile criminal case matapos siyang maaresto sa sentro ng kanilang bayan noong Miyerkules, batay sa warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong pagpatay sa apat na indibiduwal sa isang pamamaril sa Barangay Bagutari sa Sto. Tomas, Ilagan, Isabela noong Agosto 24, 1989.

Natunton ng mga opisyal ng CIDG si Mando sa tirahan nito sa Upi mula sa tip ng kanilang mga impormante at tulong ng mga lokal na opisyal sanhi ng kanyang pagkakaaresto.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with