70-anyos school owner natupok sa opisina
MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala nang marekober ang bangkay ng isang 70-anyos na ginang na may-ari ng paaralan matapos hindi makalabas sa nasusunog nitong opisina,naganap nitong Miyerkules ng gabi sa Brgy.Sta Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Gng. Violeta, may-ari ng Brentwood Academy na matatagpuan sa nasabing lugar nang ito ay ma-trap sa loob ng opisina habang mahimbing na natutulog.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-8:32 ng gabi nang sumiklab ang sunog na nagsimula sa isang silid-aralan ng paaralan at pasado ng alas-9:00 ng gabi nang ito ay maitawag sa mga bumbero.
Nang maapula ang apoy, dito na nadiskubre ang sunog na katawan ng biktima sa loob ng admin office kung saan ito natutulog.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ng Bureu of Fore Protection (BFP) ang dahilan ng sunog.
- Latest


















