^

Probinsiya

3-anyos, mister tinangay ng baha, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3-anyos, mister tinangay ng baha, patay!
Sa ulat ni Jeffrey ­Lapid, hepe ng Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), dakong alas-2:15 ng hapon kamakalawa nang marekober ang bangkay ng 3-anyos na bata sa bahagi ng boardwalk sa Subic Bay Freeport.
File

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang batang lalaki ang nasawi makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig baha sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Zambales.

Sa ulat ni Jeffrey ­Lapid, hepe ng Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), dakong alas-2:15 ng hapon kamakalawa nang marekober ang bangkay ng 3-anyos na bata sa bahagi ng boardwalk sa Subic Bay Freeport.

Noong Agosto 29. kasama ng bata ang mga magulang sa loob ng kanilang tahanan nang bumigay ang pader bunsod upang rumagasa ang malakas na agos ng tubig baha sa loob ng kanilang bahay Villa Meranda, Old Cabalan Forestry sa Subic at mabitiwan nila ang paslit na mabilis namang tinangay ng malakas na agos.

Sa isa pang insidente, patay rin ang isang mister matapos namang aksidente itong mahulog sa isang nakabukas na drainage habang naglalakad sa tubig baha sa kahabaan ng Fil-Am Friendship highway sa Brgy. Cutcut, Angeles City  noong Biyernes dakong alas-2:04 ng hapon. Ang bangkay na nakilalang si Renier Novero ay nare­kober sa layong mahigit 2-kilometro mula sa kinahulugan nito na napadpad sa ilalim ng tulay sa isang subdibisyon ng Brgy. Sto. Domingo sa Angeles City.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with