^

PSN Opinyon

Provincial director at 6 officials sibak sa one-strike policy!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAPAKIBIT balikat itong mga Retarded este Retired Policemen na aking mga nakausap matapos na kumalat itong balitang sinibak mismo ni Philippibe National Police (PNP) chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., si Negros Orriental Police Provincial Office (NORPPO) Director P/Col. Timmar J. Alam at anim pa nitong mga chief of police matapos na ma-one-strike policy against Illegal Gambling.

Ganyan kabangis ang kamandag nitong si PNP chief Nartatez mga suki! Kasi nga naman, nang maupo nga itong si Nartatez bilang hepe ng mga kapulisan abay, ipinangalan­dakan nito na walang puwang ang mga ilegalista sa kanyang administrasyon. Umani ito ng paghanga mula sa mga kababayan nating nagnanais na mabigyan ng siguridad at katahimikan ang bawat sulok ng bansa. Get nyo mga suki?

Kaya’t nang umarangkada nga itong Regional Special Operation Group ng Police Regional Office Negros Island Region nitong Agusto 28 aba’y naka-dakma ito ng mga kobrador ng illegal number games. Hehehe! Kaya’t agad naman umaksyon itong si (NORPPO) Dir. P/Col. Alam at ni-relieve itong anim niyang Police Chief ng Ayungon, Taysan, Sibulan, Pam­plona, Bayawan at Guihulgan upang ipatupad ang One-Strike Policy ni PNP chief Nartatez. Ang masakit nito, mukhang hindi nakuntento itong si Nar­tatez na ang mga ulipungoy este mga Monicipal Police Station Chief lamang ang mawawalis sa puwesto dahil malaki ang pananagutan nitong si P/Col. Alam sa pamamayagpag ng Ilegal Gam­bing­ sa kanyang nasasakupan kung kaya’t pati siya na mismo ay sinibak sa puwesto. Hehehe! Ganyan kalupit ang One-Strike Policy ni PNP chief P/Gen. Nartatez mga suki! Kung ganito ka-bagsik ang kamandag ng kautusan ni PNP chief Nartatez sa lahat ng kapulisan, bakit sa ka-Bicolan tila malabo ang paningin at pandinig hinggil sa talamak na operasyon ng Jueteng. Kahit kasi sibakin ng sibakin itong mga hepe ng kapulisan malilipat lamang ito ng mga puwesto subalit ang paldu-paldo nitong kinita sas illegal gambing ay naguumapaw sa kanilang mga bulsa. Kaya’t may panawagan itong aking mga kausap na, hindi lamang umano pagre-relieve sa mga hepe ng pulis ang ipataw, mas mainam umano kung ipa-lifestyle check ang mga ito upang mabulgar ang kanilang mga tagong yaman na galing sa illegal na trabaho. Di ba mga suki!

Hindi naman kawalan sa hanay ng kapulisan itong pagwalis ni Nartatez sa mga talamak at mga dayukdok na PNP official dahil sa totoo lang nagkakagatan ng tenga sa pag-aagawan na makapuwesto ang isang mataas na opisyal ng pulis at oras na makaupo na ito, dyan na magsisimulang magpakabundat sa mantikang hinihigop mula sa mga ilegalista. Di ba mga suki?

Kung sabagay iilan lamang itong mga dayukdok at gahamang mga police official sa hanay ng PNP subalit kung patuloy silang nagtatago at kumokopo ng puwesto, tiyak tuloy pa rin ang kanilang pagkakamal ng datung na galing sa illegal. Hehehe! Kaya’t mga Sir, Ingatan po ninyo ang inyong uniporme, gampanan po ninyo ang inyong sinumpaang tukulin sa madlangn pipol upang matumbasan ninyo ang super laki ng inyong sinasahod mula sa pawis ng manggagawa. Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with