^

PM Sports

Usir nagliyab sa Head to Head PHILRACOM race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang husay sa rematehan ng Usir matapos nitong manalo sa ‘Head to Head’ (1 on 1) Win Event (3 & 6) - PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas kahapon.

Mabagal na sinimulan ng Usir ang kanyang arangkada dahil kulelat ito sa kaagahan ng laban habang nagpupukpukan sa unahan ang Manila De Bay at Windfall nasa tersero naman ang Generative.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay halos magkakapanabayan sa unahan ang Manila De Bay, Windfall, Generative, Daily Burn, Frugality at Sky Warrior at tanging ang Usir ang nag-iisa sa hulihan ng may limang kabayo ang agwat.

Pagdating sa far turn ay naglulutsahan sa una­han ang Manila De Bay, Windfall at Frugality na nasa bandang labas habang lumalapit naman sa kanila ang liyamadong Usir.

Nagsigawan ang mga karerista nang makitang malakas na rumeremate ang Usir sa gitna pa ito dumaan sa pasapit ng hu­ling kurbada kaya naging mainit ang bakbakan sa rektahan.

Umagaw ng bandera ang Frugality sa rektahan pero lumiliyab ang Usir at lumampas ito pagd­ating sa huling 50 metro ng karera at tawirin ang meta ng may dalawang kabayo ang layo sa segundang Fruga­lity at tersero ang Generative.

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with