Himala: Babaing may cancer gumaling! (Last part)
IPINATONG ni Stephanie ang kapirasong tela sa kanyang dibdib. Ayon kay Stephanie, ang tela ay ibinigay ng kanyang kaibigan na dumalaw sa kanya makaraang malaman na mayroon siyang iniindang mga sakitAyon sa kaibigan, ang tela ay nanggaling pa sa Annaya, Lebanon na kinarooonan ng monasteryo ni St. Charbel. Pagmamay-ari umano ang tela ng isang Nohad El Shami, ang taong pinagaling ni St. Charbel sa kapansanan nito. Pinagaling ni St. Charbel si Nohad sa mismong feast day nito (Hulyo 24). Ang tela ay ipinamahagi sa prusisyon na ginanap sa paligid ng monasteryo sa Annaya. Maraming tao ang dumalo sa prusisyon at nakakuha ng piraso ng tela.
Pagkatapos ipatong ni Stephanie ang tela sa dibdib, nagdasal siya nang taimtim kay St. Charbel. Hiniling niya kay St. Charbel na pagalingin siya sa cancer. Si Stephanie ay may stage 2 breast cancer at stage 4 cancer sa spine at pelvis area.
Makalipas ang ilang linggo, ipinasya ni Stephanie na sumailalim sa tests, examinations at MRI scans.
Nakita sa resulta na nasa katawan pa rin ni Stephanie ang cancer. Ganunman, sinabihan siya ng doktor na bumalik pagkaraan ng ilang araw upang sumailalim muli sa tests.
Nagpatuloy naman si Stephanie sa pagdarasal kay St. Charbel. Mas lalong naging masidhi ang kanyang pananalangin at panawagan na pagalingin siya.
Makaraan ang ilang araw, nagbalik si Stephanie sa ospital at sumailalim muli sa serye ng tests, scans at ultrasound.
Sa pagkagulat ng mga doktor sa resulta ng mga bagong test, walang makitang cancer sa katawan ni Stephanie. Isang espesyalista ang nagsagawa pa ng panibagong test kay Stephanie subalit wala rin itong na-locate na cancer.
Sabi ng doctor kay Stephanie, maari na raw itong umuwi at i-enjoy ang buhay dahil ang mga cancer nito ay nawala na. Napaiyak si Stephanie kasabay ang pasasalamat kay St. Charbel.
- Latest















