^

PSN Palaro

Madi Mojdeh bumasag ng 2 record sa Thailand

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Madi Mojdeh bumasag ng 2 record sa Thailand
Inilabas ni Mojdeh ang bagsik nito nang pagha­rian nito ang boys’ 15-year 200m Individual Medley sa bilis na dalawang minuto at 12.31 segundo para masungkit ang kanyang unang gintong medalya.

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas si La Salle Greenhills standout Behrouz Mohammad Madi Mojdeh matapos bumasag ng dalawang rekord sa ope­ning day ng 3rd Asian Open Schools Invitational (AOSI) Short Course Swimming Championships na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Inilabas ni Mojdeh ang bagsik nito nang pagha­rian nito ang boys’ 15-year 200m Individual Medley sa bilis na dalawang minuto at 12.31 segundo para masungkit ang kanyang unang gintong medalya.

Binura ng 15-anyos Behrouz Elite Swimming Team (BEST) tanker ang dating marka na 1:13.37 ni Thitichot Ong ng Thailand noong 2024 edisyon.

Hindi nagpaawat si Moj­deh nang muli itong bumanat ng rekord sa boys’ 15-year 200m breaststroke kung saan nailista nito ang 2:26.53.

Mas maganda ito ng di hamak sa 2:36.41 na da­ting marka ni Wai Yan Pyne ng Singapore noong 2024.

Hataw din ng gintong medalya sina Annika Quinto at Clara Maligat habang nag-ambag si Mikhael Jasper Mikee Mojdeh ng pilak at tanso naman mula kay Athena Custodio.

Namayagpag si Quinto sa girls’ 15-year 50-meter freestyle sa bilis na 28.30 habang nanguna naman si Maligat sa girls’ 15-year 25m butterfly.

Pumangalawa si Mikee Mojdeh sa boys’ 11-year 200m IM (2:50.56) habang ikatlo si Custodio sa girls’ 15-year 200m breaststroke (3:08.53). “The moment we stepped foot outside the Philippines, to compete we stopped being just individual athletes, coaches, and parents,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.

“Out here, to every swimmer, coach, officials and spectator in this venue, WE are the Philippines. Bawat kilos, bawat lap, bawat pakikitungo sa kapwa atleta, coaches at parents, bitbit natin ang
pangalan ng Pilipinas,” dagdag nito. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with