^

Probinsiya

Nurse ng DOH nabagsakan ng waiting shed, todas!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nurse ng DOH nabagsakan ng waiting shed, todas!
Ayon sa pulisya, ang biktimang kinilalang si Kelvin Castro, nurse ng Department of Health (DOH) na naka-assign sa Catbalogan City Health Office na taga-Barangay Canlapwas, Catbalogan City ay isa sa mga nurse na nagsagawa ng measles-rubella vaccination sa nasabing barangay.
STAR/ File

Nagsagawa ng measles-rubella vaccination

MANILA, Philippines — Patay ang 35-anyos na nurse nang mahagip ang bumagsak na waiting shed sa Sierra Island, Barangay Canhawan Gote sa Catbalogan City, Samar nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang biktimang kinilalang si Kelvin Castro, nurse ng Department of Health (DOH) na naka-assign sa Catbalogan City Health Office na taga-Barangay Canlapwas, Catbalogan City ay isa sa mga nurse na nagsagawa ng measles-rubella vaccination sa nasabing barangay.

Nang matapos ang vaccination, pumunta si Castro at isa pang nurse sa docking area ng mga motorboat upang hintayin ang kanilang masasakyan pabalik sa mainland.

‎Gayunan, habang naghihintay, umupo si Castro sa ilalim ng waiting shed, pero bigla na lang bumagsak ang bahagi nang konkretong istruktura at nahagip ang una.

Nagtamo nang matitinding pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang nurse nang mahugot sa gumuhong waiting shed. Naisugod pa siya sa Samar Provincial Hospital pero idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas.

CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with