^

Punto Mo

7 sitwasyon na hindi dapat sigawan ang iyong anak

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. First 10 minute pagkatapos nilang magising sa umaga: Ang kanilang nervous system ay unti-unti pa lamang nagigising. Ang tono ng iyong pananalita ang maaaring maging mood nila sa pagsisimula ng kanilang umaga.

2. Sa oras ng pagkain: Ang tahimik at maayos na hapag-kainan ay nakatutulong sa pagkakaroon ng mas matibay na ugnayan. Magdudulot ng stress ang iyong pagsigaw kaya posibleng mawalan ng gana ang bata at hindi na makakaing mabuti.

3. Sa harap ng maraming tao. Kung kailangang pagsabihan, mas mabuting kausapin siya nang mahinahon at nang kayong dalawa lamang. Imbes na maintindihan kung ano ang kanyang pagkakamali, ang tumatak sa kanya ay ang sakit at hiya.

4. Bago pumasok sa school. Kapag ang umaga ay palaging nagsisimula sa sigawan, maaaring­ maiugnay niya ang pagpasok sa school sa isang negatibong karanasan. Kapag mataas ang stress, mas mahirap para sa bata na maging kalmado at handang matuto.

5. Bago matulog. Ang malakas at galit na boses ng magulang bago matulog, maaaring mag­dulot sa bata ng pangamba. O, mas matindi, magkaroon ng nightmares o hindi mapakaling tulog, lalo na kung paulit-ulit na nangyayari ang pagsigaw bago bedtime.

6. Kapag umiiyak o nagta-tantrum.  Sa halip na sabayan ang kanyang emosyon, tulungan muna siyang kumalma. Kapag sinigawan ang batang galit o umiiyak, maaaring lalo lamang lumakas­ ang kanyang emosyon at mas mahirapan siyang sabihin kung ano talaga ang problema.

7. Kapag may problema sa school.  Kung may mababang grado, reklamo ng guro o problema sa kaklase, iwasang agad siyang sigawan. Alamin muna kung ano ang nangyari. Baka kailangan niya ng gabay kaysa sermon.

Tandaan: Ang disiplina ay hindi nasusukat sa lakas ng boses, kundi sa lalim ng paggabay at pagmamahal ng magulang.

ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with