^

Punto Mo

EDITORYAL — Mga ‘backdoor’ ng Pinas ginagamit na escape route

Pang-masa

PAIIGTINGIN ang pagbabantay sa mga “backdoor” ng bansa, sabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kamakailan. Ang mga “backdoor” ayon kay Remulla ang mga rutang ginagamit upang makalabas ng bansa ang sinuman na hindi na dumadaan sa immigration controls. Naging mahalaga ang usapin sa “backdoor” matapos sabihin ni Remulla na nakalabas ng bansa sa ganitong paraan si gambling tycoon Charlie “Atong” Ang. Si Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping at kidnapping with homicide. Siya ang itinuturong “utak” sa pagkawala ng 36 na sabungeros sa pagitan ng 2021 at 2022. Makaraang maglabas ng warrant kay Ang, bigla itong nawala. Hinihinalang nakalabas ng bansa si Ang at nagtatago sa Thailand o Myanmar ayon sa mga awtoridad. May mga retiradong police officials umano na tumulong kay Ang para makalabas ng bansa gamit ang backdoor.

Malawak ang baybayin ng Pilipinas at imposibleng mabantayan ang bawat kilometro nito sa lahat ng oras. Sa backdoor din hinihinalang nagdaan kaya nakalabas ng bansa si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga kasama na sangkot sa POGO. Nadakip sila sa Indonesia at nakakulong na ngayon sa Correctional.

Pero hindi lamang bagong kagamitan ang ­kailangan ngayon para mapaigting ang pagbabantay sa “backdoor”. Kung may impormasyon na tungkol sa isang wanted person pero mabagal itong makarating sa mga pantalan, coastal communities at mga awtoridad sa karatig-bansa, may puwang pa ring makalusot. Kung may mga kilalang illegal route ngunit mahina ang intelligence gathering at koordinasyon, hindi sapat ang radar, patrol boat o surveillance equipment.

Dapat ding malaman kung sino ang tumutulong sa mga tumatakas. Ang paglabas sa isang “backdoor” ay hindi simpleng paglakad palabas ng bansa. Maaaring kailangan nito ng sasakyan, bangka, ruta, contact at iba pang taong nakaaalam kung paano iiwas sa regular na checkpoints. Ang mga network na ito ang dapat matukoy at maputol sa lalong madaling panahon.

Mahalaga rin ang mas mabilis na palitan ng impormasyon sa pagitan ng national agencies, local governments at mga karatig-bansa. Hindi kayang maglagay ng bantay sa bawat dalampasigan, kaya kailangang mas matalino at mas target ang pagbabantay sa mga lugar na madalas gamitin sa illegal departures.

Ang tunay na “backdoor” ay hindi lang isang tagong daungan o ruta sa dagat. Maaari din itong maging butas sa intelligence, koordinasyon at enforcement.

Kung gustong pigilan ang pagtakas ng mga wanted person, iyon mismo ang kailangang bantayan nang husto para walang makalusot.

ESCAPE ROUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with