College student natagpuang patay sa campus
MANILA, Philippines — Isang 17-anyos na lalaking estudyante ang natagpuang patay sa loob ng University of Makati (UMak) campus, sakop ng Taguig City, Biyernes ng umaga.
Batay sa ulat ng Taguig City Police-Sub-Station 10, alas-8:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima na estudyante ng UMak malapit sa generator set ng paaralan na matatagpuan sa J.P. Rizal Extension, Brgy. West Rembo, Taguig City. Nakita ng duty security personnel na si alyas “Evy” ang biktima at agad na ipinaalam sa mga opisyal ng unibersidad.
Dumating din ang mga imbestigador ng Taguig CPS habang nagsagawa ng ocular inspection at technical investigation ang Southern Police District Forensic Unit sa pamumuno ni PCMS Ernesto P Querol.
Samantala, kinumpirma naman sa post sa social media ng pamunuan ng UMak ang insidente kasabay ng apela sa publiko na irespeto ang pribadong buhay ng pamilya ng biktima at iwasang magpakalat ng espekulasyon o hindi kumpirmadong detalye sa social media. (
- Latest

















