^

Bansa

Prosecution team posibleng mag-reshuffle sa sub judice rule

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng prosecution team ng Kamara na magsagawa ng reshuffle sa gitna ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, bilang pagtalima sa mahigpit na sub judice rule ng Senate impeachment court.

Ayon kay prosecution spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, isa sa mga tinitingnang opsyon ay ang pagbibitiw ng ilang public prosecutors sa kanilang tungkulin upang magsilbi na lamang bilang spokespersons.

“Kung kinakailangan pong magbitiw ang public prosecutor para maging spokesperson, isa ‘yan sa mga pinag-uusapan,” ani Adiong sa press briefing.

Sa kasalukuyan, may 11 kongresista ang nagsisilbing public prosecutors, na tinutulungan ng mahigit 20 pribadong abogado na pro bono ang serbisyo sa ilalim ng House panel. Pinamumunuan ito ni Committee on Justice Chair Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro bilang lead prosecutor, kasama sina Reps. Terry Ridon, Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, Ysabel Maria Zamora, Lorenz Defensor, Jose Manuel “Chel” Diokno, Leila de Lima, Arlene “Kaka” Bag-ao, Jonathan Keith Flores, Lordan Suan, at Joel Chua.

Giit ni Adiong, posibleng madagdagan ang bilang ng spokespersons kung may mga kasalukuyang prosecutor na magbitiw. “May posibilidad po na may mga nakaupong prosecutors ngayon ang maaaring magbitaw ng kanilang posisyon at mag-act na lang bilang spokespersons,” aniya.

Ang hakbang ay bilang pagsunod sa kautusan ng Senate impeachment court sa istriktong aplikasyon ng Rule 18, na nagbabawal sa magkabilang panig at maging sa mga senator-judges na magbigay ng pahayag sa publiko hinggil sa merito ng kaso.

Kasama sa saklaw ng sub judice rule ang mismong nasasakdal na si Vice President Duterte, na ilang ulit nang nagbigay ng hayagang tirada laban sa Senate impeachment court.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with