^

Police Metro

5 Vietnamese nasagip ng NBI sa ‘prostitution ring’ sa Pasay City

Ludy Bermudo - Pang-masa

Pinapadroga muna bago makipagkita sa mga kliyente…

MANILA, Philippines — Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang babaeng Vietnamese na pawang binitbit sa bansa para sa commercial sexual services sa Pasay City.

Ayon sa NBI, nagsagawa ng rescue operation ang Human Trafficking Division nang makatanggap ng intelligence information na may isang Vietnamese na recruiter umano ng mga banyagang babae kabilang ang mga menor de edad para sa sexual trafficking.

Nagsagawa ng operasyon ang NBI, kasama ang Pasay Social Welfare and Development Department, noong Agosto 11, matapos ang pagsubaybay sa galawan hanggang sa matagumpay na nakapag-book ang undercover agent ng isang babae.

Sa pakikipagtransaksyon sa Telegram, isang babae ang nag-alok na ihahatid niya sa partikular na hotel ang piniling babae.

Nang dumating na ang pakay na mga babae, sinabi ng ka-transaksyon na siya ay naghahatid lamang ng kasama niyang babae para iwan sa kliyente.

Kalaunan, umamin ang babae na siya ang ka-transaksyon at siya rin ay kabilang din sa mga biktima ng human trafficking.

Isinama ng mga operatiba ang dalawa sa kanilang tinutuluyan, at doon ay narekober ang isang transparent plastic sachet ng shabu at tatlong drug paraphernalias.

Ayon pa sa NBI, umamin sila na gumagamit ng ilegal na droga bago maki­pagkita sa kliyente.

Tinungo rin ng NBi ang isa pang condominium unit sa Pasay matapos ibunyag ng isa sa dalawang Vietnamese na dati siyang naninirahan doon kasama ang iba pang biktima ng trafficking kung saan nasagip ang tatlo pang biktima.

NBI

PROSTITUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with