^

Metro

Ama ng Ateneo shooter, security personnel kinasuhan

Doris Franche-Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong kriminal ng Phi­lippine National Police (PNP) ang ama ng estudyanteng sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) Junior High School noong Agosto 18 at isang school security personnel dahil sa umano’y kapabayaan na may kaugnayan sa insidente.

Ang ama, na isang customs police officer, ang rehistradong may-ari ng dalawang baril na ginamit sa pamamaril, habang iniuugnay naman ang security personnel sa mga kakulangan sa pagpapatupad ng safety protocols sa paaralan.

Dahil dito, nagsampa ng reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Physical Injury laban sa ama ng shooter at sa school security personnel.

Sa insidente, isang Grade 10 student ang binaril at napatay ng Grade 9 habang isa pa ang nasugatan. Matapos ang pamama­ril, nagpakamatay ang shooter.

Ayon sa PNP, walang nakitang ebidensya ang Special Investigation Task Group ng Police Regional Office 9 na may kasabwat na grupo, organisasyon o iba pang indibidwal sa insidente. Wala rin umanong sapat na ebidensya ng perso­nal o school-rela­ted na alitan na maaa­ring maging motibo sa pamamaril.

Gayunman, natukoy ng mga imbestigador ang mga indikasyon ng paghahanda bago ang insidente at pagkakalantad sa marahas na online material.

Lumitaw din ang mga kakulangan sa pag-­iingat at accountability sa mga baril, gayundin ang mga kahinaan sa entry at exit screening ng paaralan.

Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. na ibinatay sa ebidensya ang imbestigasyon at pananagutan, habang hinikayat ang mga may-ari ng baril at paaralan na higpitan ang seguridad at agad tugunan ang anumang banta o war­ning signs.

SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with