Face-to-face classes sa San Beda Alabang sinuspinde dahil sa security threat
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng San Beda College Alabang ang face-to-face classes sa lahat ng antas nitong Miyerkules, Agosto 26 dahil sa naiulat na pangamba sa seguridad.
Naglabas ng agarang abiso si Rector Fr. Gerardo Ma. De Villa, Martes ng gabi, na nagsasaad na lahat ng klase, mula basic education hanggang graduate school, ay lilipat sa online.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang pisikal na campus sa mga estudyante at sa mga hindi awtorisadong tauhan, habang sinuspinde rin ang lahat ng on-campus activities na may kinalaman sa mga estudyante.
Dagdag pa sa abiso, magsasagawa ng routine campus sweep ang security at mga lokal na awtoridad bilang tugon sa banta.
“We ask everyone to remain calm, follow the official advisory, and rely only on information released through the official San Beda College Alabang channels. A further advisory on campus operations for Thursday, August 27 will be issued by 3:00 p.m. tomorrow,” ayon pa sa abiso ng rector.
- Latest
















